Lisan
Joshua Mari Miralles, John Paul Marquez, Paul Vitug Beats
Chorus (Joshua Mari):
ako'y lilisan na, mahal ko pwede ka nang magpahinga
patawarin kung iiwan ka, ako'y ayos lang wag kang mag-alala
Verse 1 (Joshua Mari):
salamat dahil nandyan ka lang palagi
sa mga gabi na madilim
laging naghihintay sa umagang
hindi mo na kaylangang mag-alala
mga kahilingang gusto muling maging karaniwan
kasabay ng sabi mong hindi mo ako papabayaan
ngunit patawad kung susuko na
pinilit lumaban pero di kaya
Mahal na mahal kita
Verse 2 (J Paul):
alam kong pagod ka na pero pilit mong kinakaya
masayang lumaban sa karamdaman pag kasama ka
pero mas masakit makitang sa akin ay nahihirapan ka
di na ako magtatagal pa, masa pipiliin ko nang magpahinga
para mas umikot pa ang mundo mo sa mas karapat-dapat ka
malaya ka na