Polaroid

Jom

[Verse 1]
Naaalala mo pa ba ang pakiramdam
Nung unang beses tayo na magkalapitan?
Sabi mo, ayaw mo nang umalis
Dito sa tabi ko pero ba't ang bilis ng oras?
Kaya umasa na bukas makita ka
Gusto ko na kasing mahawakang muli
Ang kamay mo at ngayon sana ay hindi
Mo kailangang umalis kaagad
Susulitin ko ang oras ng sagad
'Pag kasama kita, ito pa rin ang aking nadarama

[Chorus]
Araw-araw kang kakantahan, pagsisilbihan ka
At uulitin hanggang sa tayo'y tumanda na
(Ahh-ahh-ahh, ahh-ahh-ahh, ahh-ahh-ahh)
Ikaw lamang ang sa'kin, asahan mong sa'yo ako

[Verse 2]
Alam kong 'di ka makapag-antay na umuwi
Na ako at makasama mong muli
Bukambibig mo na gusto mo nang mayakap kita
Gano'n din pakiramdam ko tuwing kausap kita
'Di na kita matiis, ako'y papunta na
Ang oras mabilis kaya 'wag ka nang mainip pa
Sana magustuhan mo, mga dala-dala kong regalo
'Pag nabuksan mo na, kukuha tayong dalawa ng litrato
Sabay na mangangarap hanggang sa pagtanda
Ipapaalala sa'yo kapag 'di mo na tanda
Ikaw ang aking hilig, masarap umibig ng isang katulad mo

[Chorus]
Araw-araw kang kakantahan, pagsisilbihan ka
At uulitin hanggang sa tayo'y tumanda na
(Ahh-ahh-ahh, ahh-ahh-ahh, ahh-ahh-ahh)
Ikaw lamang ang sa'kin, asahan mong sa'yo ako

Curiosità sulla canzone Polaroid di Jom

Quando è stata rilasciata la canzone “Polaroid” di Jom?
La canzone Polaroid è stata rilasciata nel 2022, nell’album “SEASONS 2020-2021”.

Canzoni più popolari di Jom

Altri artisti di Pop rock