Narito Ang Puso Ko
Narito ang puso ko
Inaalay lamang sa iyo
Aking pangarap kahit saglit
Ang ikaw at ako’y magkapiling
Minsan pang makita pa
Damdamin ay sumasaya
Lungkot napapawi buhay ko’y ngingiti
Sa sandaling pag-ibig mo’y makamit
Puso ko’y narito
Maghihintay sa pag-ibig mo
Ikaw lamang ang inaaasam
Tanggapin mo ang puso ko
Hanggang matapos ang kailan man
Bawat kilos mo’t galaw
Minamasda’t tinatanaw
Laging nangangarap kahit saglit
Nang ikaw at ako’y magkapiling
Puso ko’y narito
Maghihintay sa pag-ibig mo
Ikaw lamang ang inaaasam
Tanggapin mo ang puso ko
Hanggang matapos ang kailan man
Kahit di malaman o maintindihan
Kahit na masugatan ang pusong
Naghihintay sa iyo
Maghihintay ako
Puso ko’y narito
Naghihintay sa pag-ibig mo
Ikaw lamang ang inaaasam
Tanggapin mo tanggapin mo ang puso ko narito
Maghihintay sa pag-ibig mo
Ikaw lamang ang inaaasam
Tanggapin mo ang puso ko
Tanggapin mo ang puso ko
Hanggang matapos ang kailan man