Akin
Heto tayo ngayong
Mga pusong nagtatanong
Pag-ibig nga ba ito
Bakit tayo nagkatagpo
Hindi kaya ikaw pala ang para sa akin
Bakit nga ba kung kailan pa
Mga puso nati'y laan sa iba
Ligaya sa piling mo
Ang siyang nadarama ko
At alam kong dito’t ngayon
Pag-ibig mo’y akin
Pag-ibig mo’y akin
Ngunit pang-habang buhay ba
O pansamantala
Ang pag-ibig nating ito
Bakit nga ba kay gulo
Hanggang saan
Hanggang kailan maaari tong dalhin
Sapat na kayang
Ngayon ka lamang maging akin
Maging akin
At kung hindi ngayon
Ang tamang panahon
Para sa ating dalawa
Pangako ko’y hahanapin ka
Sa langit o kung saan ka man naron
Ako’y naron din
At wala ng hahadlang pa
Sa ating dalawa
At doon sa wakas
Matatawag din kitang akin