Kahit Isang Saglit [.]
Paano ang puso kong ito
Ngayong lumisan ka sa buhay ko
Kung kailan sumikat ang araw
At lumigaya ang aking mundo
Paano na'ng mga bukas ko
Ngayong wala ka na sa piling ko
Paano ang mga pangarap
Mga pangako sa bawat isa
Sana ika'y muling makita ko
Damhin ang tibok ng puso mo
Sana'y yakapin mo ako muli
Kahit sandali kahit isang saglit
Mayakap ka
Puso ko'y biglang naulila
Iyong iniwanan nang nag-iisa
Sana ika'y muling makita ko
Damhin ang tibok ng puso mo
Sana'y yakapin mo ako muli
Kahit sandali kahit isang saglit
Mayakap ka
Mayakap ka