Saan Ka Na Kaya Ngayon
Hanggang ngayon walang iba
Pangalan mo'y nakaukit pa
Sa puso kong limot mo na
Hindi matanggap
Mahal mo'y iba
Masaya ka na ba sa piling niya
Sa bawat halik ba'y mas kinikilig ka
Isa pang tanong na medyo presko
Kahit minsan ba'y nasa isip mo ako
Sino na kayang kasama mo
Mas magaling ba siyang maglambing sayo
Nais kong malaman
Kahit napakasakit para sa akin 'to
Wala na bang pag-asa sa iyo
Nagtatanong lang naman ako
Saan ka na kaya ngayon
Mahal parin kita ah
Saan ka na kaya ngayon
Hanggang ngayo'y sariwa pa
Sugat na sa aki'y dinala
At ako ay umasa
Nagtiwala iiwan lang pala
Sino na ba bagong biktima
Sa mga halik mo baliw ba siya
Isa pang tanong na medyo presko
Kahit minsan ba'y hinahanap mo ako
Sino na kayang kayakap mo
Mas magaling ba siyang maglambing sayo
Nais kong malaman kahit napakasakit para sa puso ko
Di na ba magbabago ito
Nagtatanong lang naman ako
Saan ka na kaya ngayon
Mahal parin kita ah (mahal parin kita)
Naghahanap ng sagot
Ano na kaya kung tayo parin
Sino na kayang kayakap mo
Mas magaling ba siyang maglambing sayo
Nais kong malaman
Kahit napakasakit para sa akin 'to
Wala na bang pag-asa sa iyo
Nagtatanong lang naman ako
Saan ka na kaya ngayon
Mahal parin kita
Sino na kayang kayakap mo
Mas magaling ba siyang maglambing sayo (nais kong malaman)
Nais kong malaman
Kahit napakasakit para sa akin 'to (wala na bang pag-asa oh)
Wala na bang pag-asa sa iyo
Nagtatanong lang naman ako
Saan ka na kaya ngayon (mahal na mahal parin kita)
Mahal parin kita oh
Mahal parin kita
Saan ka na kaya ngayon