Kumusta Ka

Kumusta ka ikaw ay walang pinag-iba
Ganyan ka rin nung tayo ay huling magkita
Tandang-tanda ko habang ika'y papalayo
Tinitingnan kita hanggang wala ka na

Kumusta ka may ibang kislap ang yong mata
Halatang ang daigdig mo ngayon ay rosas
Siguro ay nagmamahal ka na ng totoo
Siya ba'y katulad ko nung tayo pang dalawa

O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka mayakap at muli kang mahagkan
Ngunit ngayon nangyari na
Ako ay nauutal walang masabi kundi
Kumusta ka

Kumusta ka ano pang dapat sabihin pa
Dibdib ko'y malakas na namang kumakaba
Dapat kayang malaman mong hindi nagbabago
Hanggang ngayon sinta mahal pa rin kita

O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka mayakap at muli kang mahagkan
Ngunit ngayon nangyari na
Ako ay nauutal walang masabi kundi
Kumusta ka

O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka mayakap at muli kang mahagkan
Ngunit ngayon nangyari na
Ako ay nauutal walang masabi kundi
Kumusta ka

Kumusta ka di ka ba sakin natatawa
Walang masabi kundi
Kumusta ka

Canzoni più popolari di Jimmy Bondoc

Altri artisti di Pinoy pop