Isang Tawag Mo Lang
Tinatawagan kita nung isang gabi
Hindi mo sinagot sino ba ang iyong katabi
Ayokong maghinala ngunit ubos na ang tiwala
Ayoko na bahala na wag mo lang sanang kalimutan na
Isang tawag mo lang ako'y sumasagot (isang tawag mo lang)
Ang linya mo sa aki'y kailanma'y di malalagot (isang tawag mo)
Sa buhay kong puro talo ikaw ang nagpapanalo
Sana nama'y sagutin mo na ang tawag ko
Tinatawagan ka ng puso ko
May kiriring naman mali bang numero
Gusto ko ng sukuan ngunit tumatawag ka rin minsan
Bigla naman akong sagot hala lagot balik sa habulan
Isang tawag mo lang ako'y sumasagot (isang tawag mo lang)
Ang linya mo sa aki'y kailanma'y di malalagot (isang tawag mo)
Sa buhay kong puro talo ikaw ang nagpapanalo
Sana nama'y sagutin mo na ang tawag ko
Dial ng dial di maangal kahit na sagot mo'y napakatumal
Minsan o lagi ay di ka ma-contact kaya ang puso ko ay nagka-crack
Alam mo naman isang tawag mo lang sa tuwa ang puso ko di mapigilan
Ako'y biglang natataranta masyadong excited nanginginig pa
Makausap ka lang kahit na mapudpod ang daliri ko sa kakapindot
Dahil boses mo lang ang siyang gumagamot sa puso ko pag nalulungkot
Nanginginig pa pag ikaw ang tumatawag
Nakikinig ka pa ba sa puso kong forever mong bihag
Isang tawag mo lang ako'y sumasagot
Ang linya mo sa aki'y kailanma'y di malalagot
Sa buhay kong puro talo ikaw ang nagpapanalo
Sana nama'y sagutin mo na
Sana nama'y sagutin mo na
Sana nama'y sagutin mo na
Ako