Halaga

Sino ako para bigyan mo ng oras
Sino ako para iyong damayan
Sa aking pag-iisa sa aking kalungkutan
Sa lahat ng pinagdadaanan

Sino ako para iyong pakinggan
Pinapasok mo ako sa tahanang kay payapa
Binigyan ng unan hinugasan ang paa
Sino ako para bigyan ng halaga ah ah ah

Inalagaan di iniwang mag-isa
Inilapit ang iyong sarili
Binigay ang iyong anak upang ako'y makasama
Binigay mo ang lahat pagkat ako'y sa yo'y mayrong halaga

Sino akong naging dahilan
Dahilan ng kanyang kamatayan
Nang iyong anak na walang kasalanan
Sino akong naging dahilan ah ah ah

Inalagaan di iniwang mag-isa
Inilapit ang iyong sarili
Binigay ang iyong anak upang ako'y makasama
Binigay mo ang lahat pagkat ako sa yo'y mayrong halaga

Sino ako para iyong ibigin
Sino ako sa iyong paningin
Salamat sa pag-ibig salamat sa buhay
Ama ako sa yo'y may halaga

Di iniwang mag-isa
Inilapit ang iyong sarili
Binigay ang iyong anak upang ako'y makasama
Binigay mo ang lahat pagkat ako sa yo'y mayrong halaga oh
May halaga oh
May halaga

Canzoni più popolari di Jericho Rosales

Altri artisti di Television series