Ako'y Sa'yo, Ika'y Akin

Ikaw na ang may sabi na ako'y mahal mo rin
At sinabi mo na ang pag-ibig mo'y di magbabago

Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo oh
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba oh
Di ba nila alam tayo'y nagsumpaan
Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang

Kahit ano'ng mangyari
Pag-ibig ko'y sa 'yo pa rin oh
At kahit ano pa
Ang sabihin nila'y ikaw pa rin

Ang mahal maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na

At kung di ka makita makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin
Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa iyo at ika'y akin lamang

Umasa kang maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung di ka makita makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin

Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa iyo at ika'y akin lamang

Canzoni più popolari di Jay R

Altri artisti di Contemporary R&B