Pinakamamahal
Pinakamamahal pinakatatangi at laging pinagdarasal
Pinakaaasam na makamtan
Ng kay tagal
Pinakamamahal
Sana’y malaman mo
Na ikaw lamang
Ang tanging nais na makapiling ko
Maging ang buhay ay handang ialay sa iyo
Ibigin lang ako ibigin lang ako
Pinakamamahal
Lahat ng nais ko
Ikaw ang may taglay
Hanggang walang hanggan
Ako’y maghihintay
Sa iyong pagmamahal
Pinakamamahal
Pinakamimithi
Sa piling mo
Tila langit ang bawa’t sandali
Masulyapan ka lamang
Puso ko’y ngumingiti
Pinakamimithi
Pinakasisinta
Kung kasalanan ang ibigin ka’y
Hayaan na
Na ang langit at Diyos
Ang sa akin ay humusga
Huwag kang mag-alala
Ipaglalaban ka
Pinakamamahal
Lahat ng nais ko
Ikaw ang may taglay
Hanggang walang hanggan
Ako’y maghihintay
Sa iyong pagmamahal
Pinakamamahal
Pinakamamahal
Lahat ng nais ko
Ikaw ang may taglay
Hanggang walang hanggan
Ako’y maghihintay
Sa iyong pagmamahal
Pinakamamahal (oh)
Pinakamamahal (oh)
Pinakamamahal