Ang Iibigin Ay Ikaw
Bakit ba kailangan kang mawalay
Nasayang ang pag-ibig na inalay
Di ko ginusto ang malayo sayo
Subalit ikaw ay dagling nagbago
Kay hirap ng mabuhay na wala ka
Kailan muli ang puso'y liligaya
May pag-asa bang naghihintay
Ang ating nakalipas ay muling bigyang saysay
Bawat tibok ng puso kong nagmamahal
Pag-ibig mo ang siyang hiling sa Maykapal
At magpakailanman ang iibigin ay ikaw