Pag-Isipan Mo Ang Boto Mo
Nalilito ako kung sinong pipiliin ko
Kung sinong iboboto sa pagdating ng Mayo
Lahat ng kandidato kanya-kanyang pangako
Tayo ay umaasang di to mapapako
Nalilito ako kung sinong totoo
Kung sinong maka-tao at tunay na Pilipino
Mahal natin ang bansa di dapat ipaubaya
Sa taong di lubos ang pang-unawa sa kapwa
Pag-isipan mo at magdasal tayo
Kung sino ang dapat at kung sino ang tapat
Yung hindi niya sinasaktan ating inang bayan
Nagmamahal ng wagas sa bayang Pilipinas (pag-isipan mo)
Ang Pilipino sa bawat sulok ng mundo
Ay umaasa sa panibagong umaga
Nasa ating palad ang kinabukasan
Gamitin natin ng tama ang ating karapatan
Ako'y naniniwalang Diyos ang magluluklok
Sa pangulong haharap sa lahat ng pagsubok
Pag-isipan mo at magdasal tayo
Kung sino and dapat at kung sino ang tapat
Yung hindi niya sasaktan ating inang bayan
Nagmamahal ng wagas
Sa bayang Pilipinas (pag-isipan mo at magdasal tayo)
Kung sino and dapat at kung sino ang tapat
Yung hindi niya sinasaktan ating inang bayan
Nagmamahal ng wagas sa bayang Pilipinas
Nagmamahal ng wagas sa bayang Pilipinas