luna

Isaac Beltran

O luna

Nakahimlay ako sa kama
Ng 'yong magandang
Tawa't ngiti

Habang nakatanaw
Sa 'yong mga matang
Kumikinang na para bang
Mga bituin

O sinta
Maaari ka bang
Maipinta?

Kapag makulimlim
Ang gabi
Ika'y nagiging ilaw at kulay
Sa aking tabi

O aking luna
Pagtingin mo pa lang nakakalula na
O kalawakan
Kailan ka ba mahahagkan?

Pagsapit ng dapit-hapon
O paraluman
Ika'y nasisilayan

Kapag makulimlim
Ang gabi
Ika'y nagiging ilaw at kulay
Sa aking tabi

Dahan-dahan kang isasayaw
Sa gitna ng pagdating ng araw

Nakahimlay ako sa kama
Ng 'yong magandang
Tawa't ngiti

Curiosità sulla canzone luna di Isaac

Chi ha composto la canzone “luna” di di Isaac?
La canzone “luna” di di Isaac è stata composta da Isaac Beltran.

Canzoni più popolari di Isaac

Altri artisti di K-pop