Para Sa Bayan [Theme From "Ilustrado"]

Tanggapin ang hamon
Buhay mo man ang siyang nakataya
Lumaban at bumangon
Walang abot kapag nakahiga
Sumalungat sa alon
Kahit panulat lang ang baon

Mga letra sa papel na isinulat
Aking mga saloobin na binubuhat
Habang lumulusong sa kumunoy
At maiahon ang bayan na darang sa apoy

Aking ina kumusta ka na
Sa aki'y wag ka mag-alala
Kahit ako'y nawalay sa'yo
Ang nais ko ay malaman mo na

Salamat dahil ikaw ang kauna-unahan kong guro
Sa napakaraming bagay na inyong itinuro
Sa akin at sa lahat ng aking mga kapatid
Kahit madilim ang gabi ay kandila sa silid
Tagadala ng liwanag pag ako'y nagbabasa
Nais ko lamang ay masagip ang iyong mga mata
Nalaman kong karunungan ay 'di dapat duwag
Nang mapatunayan kong minsan ang katarunga'y bulag
Kahit gaano kalupit ang sa iba'y ating sinapit
Pag may galit at pait sa pagmamahal ka kumapit
Yan ang sabi mo sa akin nang isip ay ibinukas
'Di kailangang gumamit ng dahas upnag maka-alpas

Mga nakagawian ng mga naatasang mamuno
Tuyo na ang bukal konti nalang ang tumutulo
Sa iyong mga problema ang sinasagot ay biro
Hindi sumusunod kahit ikaw ay maisuyo

Palubog nang palubog na parang kumunoy
Tanso sa ginto 'di lubog peke ang amoy
Parang mga nag-aalok nang tulong ngunit sakim
Sakin na kapangyarihan na pilit inaangkin
Ang buhay kong binuwis kasama pa ng iba
Handa akong ialay muli basta't makita lang kita
Na malaya't masaya
Lupang kong sinilangan sana hindi magsawala
Ang ang aking pinaglaban

Kulay kayumanggi man ang aking binhi
Hindi magkukubli paglalaban ang lahi
Pag-ibig na taglay aking isinabuhay
Abutin ang tagumpay kahit pa hanggang hukay

Ang kalayaan mo at kalayaan ko
Ang kayamanan nitong bayan ko
Ang kalayaan mo at kalayaan ko
Ang kayamanan nitong bayan ko

Tanggapin ang hamon
Buhay mo man ang siyang nakataya
Lumaban at bumangon
Walang abot kapag nakahiga
Sumalungat sa alon
Kahit panulat lang ang baon

Canzoni più popolari di Gloc-9

Altri artisti di Film score