Papel - Interlude

Pa- rang- may
Nagbubulong-
Na isang-
Makatang-
Anghel-
Yan, pwede na 'to

Hindi ko alam ang gagawin sa susunod na kanta ko
Parang wala 'kong maisip sa pang-apat na CD ko
Kahit medyo nalilito, sige susubukan ko
Uy, salamat nga pala sana hindi pirata 'to
Alas dos ng umaga ngayon ako'y nag-iisa
Pang anim, pito, o walo nang natapos na kanta
Dito sa album na tatawagin kong Matrikula
Alam kong magtatanong ka kaya sasabihin ko na

Hindi ito pambayad sa eskwela upang makapag-aral
Ito'y pambayad sa buhay parang mabigat na bakal
Na pasan-pasan, kung tawagin natin ay pagsubok
Para bang nakaakda hanggang sa huling tuldok
Mga tula na ang tawag ko ay sagot sa panalangin
Ang salita'y alam ko na kahit na 'di ko isipin
Parang may nagbubulong na isang makatang anghel
Yun nga lang, teka naubusan na po ako ng papel

Curiosità sulla canzone Papel - Interlude di Gloc-9

Quando è stata rilasciata la canzone “Papel - Interlude” di Gloc-9?
La canzone Papel - Interlude è stata rilasciata nel 2009, nell’album “Matrikula”.

Canzoni più popolari di Gloc-9

Altri artisti di Film score