Maulit Man

Aristotle Pollisco

May mga pangako na
Kahit di masabi pa
Bastat makasama ka
Sinta
Laging Bubuhatin ko
Lahat ng pasanin mo
Ikay aakayin ko
Sa tuwina

Kapit ka lang sa akin
Di tayo bibitaw
Salubong man sa hangin
Ay di maliligaw
Mahigpit kang yayakapin
Kapag giniginaw
Ako lamang at ikaw

Ang syang bida sa storya
At kuwento nating dal’wa
Pupunasan
Ang luha kayat
Panghawakan mo na

Gagalangin
Pipiliing
Mamalagi lang sayo
Makapiling
Susulitin
Kung maulit man ito

Hahanapin akoy lagi lamang
Babalik sayo
At tanging
Dalangin ko lang
Ay ang pag mamahal mo

Rap
tanda ko pa noon
Nong tila yata ang lahat
Kahit hindi sumisigaw ay palaging malat

Sumusugod sa ulan at hanging pasalungat
Pero kapag kasama ka ay walang mabigat

Bubuhatin at papasanin ko ang ano man
Pag mamahal mo sakin nais kong masuklian

Ngayon bukas o kahapon aking babalikan
Basta para sayo ay hindi ko hihindian

Natutupad lang ang pangarap pag kapiling ka
Bale wala ang yaman pag akoy nag iisa

Madami mang di sigurado sa tanong nila
Yan lamang palagi kong sagot hindi maiiba

Palasyo man o kubo
Kahit wala sa uso
Ako ang syang kasama malayo man ang dulo

Masugatan man ay hindi ko isusuko to
Panghawakan mong paka iingatan ko ang puso mo

Bawat gising
Pipiliing
Tumanda sa piling mo

Susuyuin
Susulitin
Kung maulit man ito

Bawat linya
Ng storya
At kuwento nating dal’wa

Di kailangan pang
lumuha kayat
Panghawakan mo na

Kapit ka lang sa akin
Di tayo bibitaw
Salubong man sa hangin
Ay di maliligaw

Mahigpit kang yayakapin
Kapag giniginaw
Ako lamang at ikaw

Ang syang bida sa storya
At kuwento nating dal’wa

Pupunasan
Ang luha kayat
Panghawakan mo na

May mga pangako na
Kahit di masabi pa
Bastat makasama ka
Sinta

Laging Bubuhatin ko
Lahat ng pasanin mo
Ikay aakayin ko
Sa tuwina

Curiosità sulla canzone Maulit Man di Gloc-9

Chi ha composto la canzone “Maulit Man” di di Gloc-9?
La canzone “Maulit Man” di di Gloc-9 è stata composta da Aristotle Pollisco.

Canzoni più popolari di Gloc-9

Altri artisti di Film score