Gera gera
Gera gera
Mag ipon na ng mga bala
Mag didilim na ang planeta
Ihanda na ang mga gasera
Pawis na pawis ang aking mga kamay
kinakabahan akoy halos mahimatay
agos ng mga pangyayare lahat tinatangay
bago umalis ako ay nag paalam kay inay
mag ingat ka anak delikado sa labas
baka mabutas ang supot ng isang kilong bigas
mabasag ang bote ng mantika na pampadulas
ng pinto ni satanas tumingala ka sa taas
huwag kang titingin sa baba lalo na kung malulain
pailalim hihilahin pag huminga ng malalim
na parang sinasakal pinuluputan ng baging
ang leeg manginig kahit di malamig ang hangin
mainit na dugo lalamunan na tuyo
madami na’ng mga nahuli
ilan na bang nabigo
buhay ang naka taya
tago taguang laro
lahat tayo ay kasali
di ka puwedeng mag biro dito sa
Gera gera
Mag ipon na ng mga bala
Mag didilim na ang planeta
Ihanda na ang mga gasera
Gera
ang pumapatay hindi mga armas
Gera
o karamdaman na wala pa daw lunas
Gera
sa panahong burado ang mga antas
Gera
mga kumukumpas lang ang kumakaltas
Gera
sa kaban ng bayan may tapayan na butas
Gera
tuloy tuloy ang pag agos ng katas
Gera
mula sa puno na ilan lamang ang syang puwedeng makapitas
Gera
kailan pa kaya tayo maliligtas dito sa gera.
Sino nga ba ang kalaban
Sino nga bang pang gulo
Yun bang dala dala ng hangin
O yung haring may dala dala sa ulo
Sumabay sa koro ng
Gera gera
Mag ipon na ng mga bala
Mag didilim na ang planeta
Ihanda na ang mga gasera
Gera Gera
sino ba ang syang tunay na kalaban
gusto ko lang talaga na malaman
upang ang lahat ay maliwanagan
Gera Gera
sino ba ang syang tunay na kalaban
gusto mo ba talaga na malaman
hanging madumi o mahanging gahaman