Ang Huling El Bimbo
Kamukha mo si Paraluman
Nung tayo ay bata pa
At ang galing galing mong sumayaw
Mapa boogie man o cha cha
Ngunit ang paborito
Ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak nakakaaliw
Nakakatindig balahibo
Pagkaggaling sa eskwela ay dideretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay
Naninigas ang aking katawan
Pag umikot na ang plaka
Sabay sa kembot ng beywang mo
At pungay ng yong mga mata
Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay
At dahang dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso
Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay
La la la la
Lumipas ang maraming taon
Hindi na tayo nagkita
Tagahugas ka raw ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi'y nasagasaan sa isang madilim na eskenita
La la la la
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw
Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay
Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay
La la ligaya (la la)
Masdan mo aking mata di mo ba nakikita