Mga Bata Sa Negros

Naiiyak ako sa aking nakita kaibigan
Ang mga bata sa Negros ay kumukulo ang tiyan
Wala silang makain ang gutom tinitiis na lang
May mga pinanawan ng buhay dahil sa kagutuman
Sila ba'y panonoorin lang kababayan

Pabayaan bang sila'y mangamatay sa kagutuman
Alam kong marami pang mabubuting mamamayan
Ang mga puso nati'y buksan sila ay tulungan
Sagipin natin mga bata sa Negros (sa Negros)
Ikaw at ako tayo ang tutubos

Sino pa ang tutulong kundi tayo (tayo)
Sila ay kapatid natin kabayan ko
Tayo na kasama ko habang mayroon pang panahon
Pagtulung-tulungan natin nang sila'y makaahon
Sa kuko ng kamatayan na dulot nitong gutom

Ang mga bata sa Negros ay ating sagipin
Sagipin natin mga bata sa Negros (sa Negros)
Ikaw at ako tayo ang tutubos
Sino pa ang tutulong kundi tayo (tayo)
Sila ay kapatid natin kabayan ko

Sagipin natin mga bata sa Negros (sa Negros)
Ikaw at ako tayo ang tutubos
Sino pa ang tutulong kundi tayo (tayo)
Sila ay kapatid natin kabayan ko

Sagipin natin mga bata sa Negros (sa Negros)
Ikaw at ako tayo ang tutubos
Sino pa ang tutulong kundi tayo (tayo)
Sila ay kapatid natin kabayan ko hmm

Curiosità sulla canzone Mga Bata Sa Negros di Freddie Aguilar

Quando è stata rilasciata la canzone “Mga Bata Sa Negros” di Freddie Aguilar?
La canzone Mga Bata Sa Negros è stata rilasciata nel 2002, nell’album “Collection”.

Canzoni più popolari di Freddie Aguilar

Altri artisti di World music