Tuloy Lang
[Verse 1]
Buksan ang mga mata kung ika'y nakapikit
Subukan mong lumapit, pilitin mong dumikit
Kung mga pangarap ay patuloy na lumalayo
Habulin mo sa'n pa man, simulan nang tumayo
Walang imposible sa pintuang nakasara
Kahit itulak mo'y nakaharang, para bang nakabara
Kahit medyo delikado pagtawid mo sa tulay
Mainit ang lakbay na parang 'di s'ya too good sa Dubai
'Wag kang hihinto, isigaw ng malakas
Pilitin mong abutin, lumipad ka pataas
Walang pwede na magsabi, 'di ka patas na maghari sa mikropono o letra na binibigkas
Ugh, lagi mong isipin ang iyong layunin
Subukang buhatin kahit medyo mabigat
Sungkitin ang mga tala kahit na hinog pa o hinog pa sa alam mo kung kailan ka kakagat
[Chorus]
Kahit anong laban, 'di sumuko
Tangan ko ang mikropono
Kahit na malabo, 'di nagpatalo
Umasa lang sa talento ko (sa talento ko)
Kahit na may humarang pa
Ako'y sa tugatog pilit sasampa (sasampa)
Kahit pa sabihin nilang (sabihin nilang)
Walang patutunguhan, dederetso lang
[Verse 2]
Sa landas ko na napili, maraming mandurugas
Talangka at balasubas, may ilan ding maghuhudas
Na 'di ka hahayaang makatapak sa pedestal
Ang makapagpabagsak, ginawa nilang credential
Sa bawat paghakbang, may laging nakaabang
Panganib ay nagbabadya, banta laging nakaabang
Sa 'yo ay dadamba at negatibo na komento
Pinapalaganap negatibo sa 'yong kwento
Pero pinatamis ko ang lahat ng panlalait
Inisip na papuri kahit may tanong kung bakit
Sa isip naglalaro kung kakayanin ko ba 'to
Na patuloy na maglakbay sa daanan na mabato
Pero 'di ko alintana kahit medyo mabao
Lalakad ng marahan hanggang aking matamo
Tangan-tangan ang mikropono sa kanan kong kamay
Na natatangi na sandata ko sa'king paglalakbay kaya
[Chorus]
Kahit anong laban, 'di sumuko
Tangan ko ang mikropono
Kahit na malabo, 'di nagpatalo
Umasa lang sa talento ko (sa talento ko)
Kahit na may humarang pa
Ako'y sa tugatog pilit sasampa (sasampa)
Kahit pa sabihin nilang (sabihin nilang)
Walang patutunguhan, dederetso lang
[Verse 3]
May mga pagkakataon na 'di ko maintindihan
Lumuha sa isang tabi, sarili ko ay sumbatan
Pagsisibat, ito aking napili na larangan
Ang tagal ko na gumugol bakit 'di ako kabilang?
Sa mga tanyag, ako'y nilamon ng inggit
Sila'y nais sapawan kahit na nakapikit
Binigay ko naman lahat, bakit parang wa epek?
Kahit na ang obra ko ay malupit at cool effect
Parang walang sense mabuhay sa aking kultura
Ginto na ang halaga ng sulat ko, binabasura
Parang walang dating kahit maangas ang postura
Ang sakit sa dibdib ko ay parang may bumabasura
Ngunit aking naisip, gumising sa dilat na panaginip
Manalig dahil magbabago din ang bawat ihip
Na tatangay sa akin, patungo sa tagumpay
Ang laban 'di ko susukuan kahit pa ba habang-buhay
Dahil sa mga inspirasyon na nagpatibay ng loob ko at sandigan sa'king paglalakbay
Panginoon, salamat at binigyan niyo 'ko ng lakas
Kaalyadong mahusay, kaibigan lang, walang katulad
[Chorus]
Kahit anong laban, 'di sumuko
Tangan ko ang mikropono
Kahit na malabo, 'di nagpatalo
Umasa lang sa talento ko (sa talento ko)
Kahit na may humarang pa
Ako'y sa tugatog pilit sasampa (sasampa)
Kahit pa sabihin nilang (sabihin nilang)
Walang patutunguhan, dederetso lang
[Interlude]
Kahit anong laban, 'di sumuko
Tangan ko ang mikropono
Kahit na malabo, 'di nagpatalo
Umasa lang sa talento ko (sa talento ko)
[Verse 4]
Ano mang mithiin ko, do'n na akong nakipagsapalaran
Kahit sa nais kong gawin walang masyadong alam
Sa mga bagay-bagay na hinawakan ko na ngayon
Konting kibot lang ay pwedeng magbago ang panahon
Kaya pinilit kong lumapit sa
Nagturo sa 'kin na
Humawak malapit sa sumulat kahit papa'no ay
Natutong sumabay at gumawa ng awit mag-isa
Ngayon binahagi sa iba ang konting kaalaman na
Na narating ko na nasa inyo
Salamat sa inyo at nandyan kayo't gumabay
Sa 'kin nagturo kung may kulang ay inyong napunan
Talo sa taong gumugol sa 'kin ng ano mang kailangan
[Chorus]
Kahit anong laban, 'di sumuko
Tangan ko ang mikropono
Kahit na malabo, 'di nagpatalo
Umasa lang sa talento ko (sa talento ko)
Kahit na may humarang pa
Ako'y sa tugatog pilit sasampa (sasampa)
Kahit pa sabihin nilang (sabihin nilang)
Walang patutunguhan, dederetso lang (dederetso lang)