Ikaw Lang - Ang Pag-Ibig ko

Naririnig mo ba
Itong mga sinasabi ko
Mukhang napakagulo ng isipan mo
Kahapon tayo'y masaya na magkasama
Ngayon bigla mong sasabihin
Di tayo para sa isa't isa

Lumayo ka man
Iyong tatandaan

Ikaw lang ang laman
Ang nilalaman ng puso ko
Sa'yo lang ibibigay
Ang pag-ibig at aking buhay

Ikaw lang ang sigaw
Ang sigaw nitong damdamin ko
Walang ibang ipapalit
Dahil ikaw (dahil ikaw)
Ikaw lang ang pag-ibig ko

Pwede ba nating balikan ang nakaraan
Sa lugar kung saan una kitang natagpuan
Pangakong di magbabago magpakailanman
Pagmamahalang walang hangganan
Bakit ngayon gusto mong wakasan

Lumayo ka man
Iyong tatandaan

Ikaw lang ang laman
Ang nilalaman ng puso ko
Sa'yo lang ibibigay
Ang pag-ibig at aking buhay

Ikaw lang ang sigaw
Ang sigaw nitong damdamin ko
Walang ibang ipapalit
Dahil ikaw (dahil ikaw)
Ikaw lang ang pag-ibig ko

Di kita mapipigilan kung ako'y iiwan mo
Ngunit sa iyong pagbabalik
Maghihintay ang puso ko

Ikaw lang ang laman
Ang nilalaman ng puso ko
Sa'yo lang ibibigay
Ang pag-ibig at aking buhay

Ikaw lang ang sigaw
Ang sigaw nitong damdamin ko
Walang ibang ipapalit
Dahil ikaw
Ikaw lang ang pag-ibig ko (oh)

Ikaw ang dahilan (oh)
Sa'yo lang ibibigay (oh)
Ikaw lang ikaw lang ikaw lang
Ikaw lang ang pag-ibig ko (oh)
Ikaw lang ang pag-ibig ko

Altri artisti di Contemporary R&B