Tayo-Tayo Lang

Oh

Bago ka kusang lumisan
Teka lang kaibigan
Huwag mo sanang kalimutan
Ang ating pinagsamahan
Ang bawat sandali
Na nangyari ngayong gabi
Sayang naman
Kung di mo tatapusin
Ang huling awitin

Huwag ka nang mahiya
Tayo-tayo lang nandito
Sama-sama niyo akong sabayan
Isang kanta pa ang natitira
Huwag mo akong iwang mag-isa oh

Bago ka bumalik
Sa mundong kinagisnan
Lubusin ang kasalukuyan
Alam kong bayad mo na
Ang pananagutan
Pero sana ako'y suklian
Sayang naman
Kung di mo tatapusin
Ang huling awitin

Huwag ka nang mahiya
Tayo-tayo lang nandito
Sama-sama niyo akong sabayan
Isang kanta pa ang natitira
Huwag mo akong iwang mag-isa oh

Hintayin mo na munang
Hilo'y mawala
Sabayan niyo na muna ako na
La la la (la)
La la la (la)

Huwag ka nang mahiya
Tayo-tayo lang nandito
Sama-sama niyo akong sabayan
Isang awit pa ang natitira
Huwag niyo akong iwang mag-isa oh
Huwag mo akong iwang mag-isa

Canzoni più popolari di Ebe Dancel

Altri artisti di Pop rock