Pakiusap

Natutulog ka man irog kong matimtiman
Tunghayan mo man lamang ang nagpapaalam
Dahan dahan mutya buksan mo ang bintana
Tanawin mo't kahabagan
Ang sa iyo'y nagmamahal

Kung sakali ma't salat sa yama't pangarap
May isang sumpang wagas
Ang aking paglingap
Pakiusap ko sa iyo kaawaan mo ako
Kahit mamatay pag-ibig ko'y minsan lamang

Pakiusap ko sa iyo kaawaan mo ako
Kahit mamatay pag-ibig ko'y minsan lamang
Iniibig kita magpakailan pa man

Canzoni più popolari di Dingdong Avanzado

Altri artisti di Middle of the Road (MOR)