May Isang Nagmamahal

Pag ikaw
Ang laging alaala
Nitong puso't isip
At di ka nawawaglit
Ewan ko
Pag di ka nakikita
Ako'y laging balisa
Ito ba'y pag-ibig na

Umiibig sayo ang isang tulad ko
Dapat nga bang umasa't maghintay ako
Dinarasal-rasal sana'y malaman mo
Na may isang nagmamahal sayo

Kailan man
Ay di na magbabago
Ang pintig ng puso
Yan ay para sayo
Nais ko
Kahit sa panaginip
Makasama kita
Sa aki'y sapat na

Umiibig sayo ang isang tulad ko
Dapat nga bang umasa't maghintay ako
Dinarasal-dasal sana'y malaman mo
Na may isang nagmamahal sayo

Puso ko'y mayroong tanong
Sa iyong di ko malaman
Nararapat nga bang ako'y umasa
Ngunit kahit magkagayon maghihintay pa rin
Kailan pa man ay di magbabago

Umiibig sayo ang isang tulad ko
Dapat nga bang umasa't maghintay ako
Dinarasal-dasal sana'y malaman mo
Na may isang nagmamahal sayo
Na may isang nagmamahal sayo

Canzoni più popolari di Dessa

Altri artisti di Alternative hip hop