Sayang Ang Time [A Love Song Collection All Compositions by BEL ANDRES]

Bakit ang oras tumatakbo ng mabilis
Pag ika'y kasama pag-alis agad ay namimiss
Gusto man ni haring orasan ikaw ay umiiwas naman
Pagbigyan mo naman ako kahit sandali

Pwede ba sana araw-araw kitang makita
Distansya'y di problema dagat man o sira-sirang daan
Gusto man ni haring orasan di ka pumapayag naman
Paano na ang puso kong naghihintay sa'yo

Sayang sayang ang time aalis na ang aking barko (oh)
Sayang sayang ang time bawat sigundo ay ginto
Sayang sayang ang time sana'y pag-isipan mo (oh)
Sayang sayang ang time basta't ikay makita I'm fine

Ngiti pa lang ako'y nabibighani (oh)
Papaano pa kung ako'y tatawagin mong (oh)
Honey honey honey
Patutunayan ko ikaw ang gusto ko (patutunayan ko)
Babalik ako para lang sayo (oh)

At sa muling pagkikita huwag mag-alinlangan
Ikaw pa rin ang bida sa buhay kong simple lang
Gusto man ni haring orasan please naman ako'y pakinggan
Ika'y laman ng puso ko hanggang kailanman

Sayang sayang ang time aalis na ang aking barko (oh)
Sayang sayang ang time bawat sigundo ay ginto
Sayang sayang ang time sana'y pag-isipan mo (oh)
Sayang sayang ang time basta't ika'y makita (oh)
Basta't ika'y makita
Basta't makita lang kita
I'm fine

Canzoni più popolari di Daryl Ong

Altri artisti di Middle of the Road (MOR)