Bitaw

'Di ako manhid ramdam ko ang 'yong panlalamig 'di umiimik
Ngunit ako'y hangal kung di ko batid na 'pag

Kahit ang simpleng bagay pagmumulan ng away
'Di mo kailangang itago na nagsasawa ka na malaya ka na (kaya ngayon)

Kahit na ikaw ang laman ng puso handa 'kong bumitaw at ika'y isuko
Hindi ko na 'to pahahabain pa bakit kakapit pa kung gusto mo nama'y iba

Ako'y bibitaw ako'y bibitaw (sige na sige sige sige sige na sige sige sige)
Ako'y bibitaw ako'y bibitaw (sige na sige sige sige)

Kung maririnig ikaw pa rin ang sigaw ng dib-dib
Nand'on pa rin ang sakit nadarama t'wing puso'y pipintig kasi

Hindi to simpleng bagay dapat na 'kong masanay
Sa bagong buhay 'di tulad nung dating hawak kita malaya ka na ('pagkat ngayon)

Kahit na ikaw ang laman ng puso handa 'kong bumitaw at ika'y isuko
Hindi ko na 'to pahahabain pa bakit kakapit pa kung gusto mo nama'y iba

Ako'y bibitaw ako'y bibitaw ako'y bibitaw ako'y bibitaw (sige)
Ako'y bibitaw ako'y bibitaw (sige na sige sige sige ako'y bibitaw)

Dapat masanay nang wala ka sa pagtulog ko sa gabi
At pag-gising sa umaga tanging unan na lang ang katabi at 'di na magbabalik

Kahit na ikaw ang laman ng puso handa 'kong bumitaw at ika'y isuko
Hindi ko na 'to pahahabain pa bakit kakapit pa kung gusto mo nama'y iba

Ngayo'y naliligaw kung saan tutungo ang puso kong ikaw pa rin ang tinuturo
Hindi ko na 'to pahahabain pa palalayain ka kakayanin kong mag-isa

Ako'y bibitaw ako'y bibitaw (sige na sige sige sige sige na sige sige sige)
Ako'y bibitaw ako'y bibitaw ako'y bibitaw (sige na sige sige sige)

Canzoni più popolari di Daryl Ong

Altri artisti di Middle of the Road (MOR)