Nag-iisang Ikaw
Araw-araw na lang ay nag hihintay sayo
Nananabik na mahagkan at mayakap ka
Iniwan mong alala ang sya'ng lagi kong kasama
Bakit kapag wala ka sadya bang kulang pa
Bakit kaya ganon ang syang nadarama
Sa bawat sandali hanap ka ng aking mata
Marahil ay ikaw na nga sa aking puso ang ligaya
Dahil sayo ako'y wala ng hahanapin pa
Ikaw ang pag ibig ko ang tawag ng damdamin
Ang mabuhay ng wala ka ay hindi sapat
Dahil kailangan ko ay laging ikaw
Na sa tuwina'y natatanaw
Sa aking puso'y may tinatangi
Ang nag iisang ikaw
Bakit kaya ganon ang syang nadarama
Sa bawat sandali hanap ka ng aking mata
Marahil ay ikaw na nga sa aking puso ang ligaya
Dahil sayo ako'y wala ng hahanapin pa
Ikaw ang pag ibig ko ang tawag ng damdamin
Ang mabuhay ng wala ka ay hindi sapat
Dahil kailangan ko ay laging ikaw
Na sa tuwina'y natatanaw
Sa aking puso'y may tinatangi
Ang nag iisang ikaw
Kahit na anong mangyari magmamahal pa rin sayo
At ang lagi kong iisipin mahal mo rin ako
Ikaw ang pag ibig ko ang tawag ng damdamin
Ang mabuhay ng wala ka ay hindi sapat
Dahil kailangan ko ay laging ikaw
Na sa tuwina'y natatanaw
Sa aking puso'y may tinatangi
Ang nag iisang ikaw
Ang nag iisang ikaw