Nag-Iisang Bituin

Sa lamig ng gabi
May pupuno ng puwang sa 'yong tabi
Pagmamahal ang tanging hatid
Patitingkarin ang 'yong kislap sa dilim

Malayo man maihahatid din ng hangin
Ang mga hangarin na puno ng pag-ibig

Ang pangarap ko'y para sa 'yo nag-iisang bituin
Laman ng puso at damdamin ko nag-iisang bituin
Kahit san ka man dalhin ng tadhana'y dama pa rin
Dahil tayo'y nakatitig sa iisang bituin

Tanging hiling ng puso ko'y
Tibayan ang loob sa 'yong mga pagsubok

Malayo man maihahatid din ng hangin
Ang mga hangarin na puno ng pag-ibig

Ang pangarap ko'y para sa 'yo nag-iisang bituin
Laman ng puso at damdamin ko nag-iisang bituin
Kahit san ka man dalhin ng tadhana'y dama pa rin
Dahil tayo'y nakatitig sa iisang bituin

Tulad ng mga tala sa langit
Ika'y magniningning

Ang pangarap ko'y para sa 'yo nag-iisang bituin
Laman ng puso at damdamin ko nag-iisang bituin
Kahit san ka man dalhin ng tadhana'y dama pa rin
Dahil tayo'y nakatitig sa iisang bituin

Canzoni più popolari di Christian Bautista

Altri artisti di Pop