Tingin Medley

Levi Celerio, Tex Salcedo, C. Sta Maria, Juan Silos Jr.

[Part I: Titingin-Tingin]

[Verse 1: Celeste Legaspi]
Titingin-tingin sa akin ang mama
Mamasid-masid na parang kawawa
Lilingon-lingon, hindi na nagsawa
At ayaw mangusap, palagay ko'y nahihiya

[Chorus: Celeste]
Kahit 'di ko pansinin, aking nararamdaman
Titingin-tingin pa rin, ang lalaki nga naman
Tingin din nang tingin, akala'y 'di ko alam
Nasisiyahan kayang ako'y laging tingnan
Kahit 'di ko pansinin, aking nararamdaman
Titingin-tingin pa rin, ang lalaki nga naman
Tingin din nang tingin, akala'y 'di ko alam
Nasisiyahan kayang ako'y laging tingnan

[Part II: Ligaw-Tingin]

[Verse 2: Nonoy Zuñiga]
Mayro'ng isang binata at isang dalaga na magkapitbahay
Nagkaunawaan sa tinginan lamang
Ang pag-ibig kasi, hindi man bigkasin, napapansin sa kilos
Kung mayro'ng pag-asa ang isang pag-irog

[Verse 3: Celeste]
Gulat naman ako kung ang isang lalaki'y kay sarap gumiliw
Kung 'di man makisig, mayro'ng panghalina
Walang romansa ang ganyang ligaw-tingin 'pagkat nakakasuya
Laging nakatanghod at mukhang kawawa

[Verse 4: Celeste, Nonoy]
Wala mang salita, sa kilos at sulyap, maaaring sabihin
Ng isang lalaki ang kanyang paggiliw
Mayro'n nga riyang lalaki kay sarap mangusap ngunit sinungaling
Ang mga babae, ibig lang bolahin

[Verse 5: Celeste]
Damdamin ng lalaking 'di umiimik, mahirap mahulaan
Dapat ay moderno kahit sa pagligaw
At 'yung ligaw-tingin na sinasabi mo ay uso noong araw
Atrasado tayo kung ganyan ang buhay

[Verse 6: Nonoy]
Kung ang ligaw-tingin ay 'di mahalaga, pakinggan mo ang samo
Ng pagsuyong tunay at tapat sa puso
Minamahal kita, iniibig kita, 'yan ay isang pangako
Na iyong asahan, buhay ma'y maglaho

[Part III: Tingnan Natin]

[Verse 7: Celeste, Nonoy]
Kaming mga lalaki, taksil daw sa pag-ibig
Kung totoo, tingnan natin
Bakit hindi subukin? Umibig ka sa akin
Halika na, tingnan natin
'Wag mo akong buwisitin nang hindi mo abutin
Ang mapahiya, tingnan natin
Kung nais mong subukin ay bakit pa sa akin?
Sa iba na, tingnan natin

[Verse 8: Celeste, Nonoy]
Magtataksil nga ako kung ibang pagsuyo ang iyong ituturo
'Pagkat 'di maglalaho ang aking pagsamo sa iyo, nyaring puso
Kaya ako kailanman ay nag-aalinlangan, baka hindi tunay
Ang pag-ibig mo sa akin ay tatanggapin kung tapat, tingnan natin

[Chorus: Celeste & Nonoy]
Ikaw ang mamahalin sa aking puso, giliw
Asahan mo, tingnan natin
Buhat ngayo'y alamin kung ako nga ay taksil
Sa pag-sinta, tingnan natin
'Wag lamang lilimutin, sa ginhawa't hilahil
Karamay mong walang maliw
Ang aking pusong baliw
Na lagi lang susundin ang iyong hiling, tingnan natin

[Outro: Celeste & Nonoy]
Tingnan natin
Tingnan natin
Tingnan natin

Curiosità sulla canzone Tingin Medley di Celeste Legaspi

Quando è stata rilasciata la canzone “Tingin Medley” di Celeste Legaspi?
La canzone Tingin Medley è stata rilasciata nel 2014, nell’album “Bagong Plaka, Lumang Kanta, Vol. 3”.
Chi ha composto la canzone “Tingin Medley” di di Celeste Legaspi?
La canzone “Tingin Medley” di di Celeste Legaspi è stata composta da Levi Celerio, Tex Salcedo, C. Sta Maria, Juan Silos Jr..

Canzoni più popolari di Celeste Legaspi

Altri artisti di Asian pop