Mahal Medley

Tito Arevalo, Mike Velarde Jr., Jerry Brandy

[Intro]
Irog, ikaw lamang ang tangi kong mahal
Minamahal, iniibig kita

[Verse 1]
Minamahal, sinasamba
Ang katulad mo'y isang awit ng pagsinta
Minamahal, manalig ka
Na sa piling mo lamang ako liligaya

[Verse 2]
Bawat ngiti, bawat sulyap
Naigawad mo ay pangako ng pagliyab
Irog, ikaw lamang ang tangi kong mahal
Minamahal, iniibig kita

[Verse 3]
Ang mahal ko'y ikaw (Minamahal)
Sa buong daigdig (Sinasamba)
Magpakailan pa ma'y 'di ka mawawaglit (Ang tulad mo'y isang awit)
Sa bitak ng dibdib (Ng pagsinta)
Kung ikaw ay wala, hirap nang masawi
'Yan na ang simula ng aking paghibik sa gabing tahimik

[Verse 4]
Oh, pag-ibig, buhay ko'y iyong-iyo
(Bawat ngiti, bawat sulyap)
Puso ko'y tanging iyo
At ang tanging kong samo, mahalin mo ako
(Naigawad mo ay pangako ng pagliyab)
Tunay na tunay, giliw ng buhay
(Irog, ikaw lamang ang tangi kong mahal)
Minamahal ko'y nag-iisa, ikaw lamang
(Minamahal, iniibig kita)

[Verse 5]
Minamahal, minamahal kita
Pagsinta ay 'di mag-iiba
Hindi mo ba nadarama, sinta?
Bawat kilos ko'y pangarap ka

[Verse 6]
Minamahal, minamahal kita
(Minamahal, minamahal, minamahal kita)
At nasa iyo ang tanging ligaya
Asahan mong dalangin ko, tuwina
Minamahal, iniibig kita

[Outro]
Minamahal, iniibig kita

Curiosità sulla canzone Mahal Medley di Celeste Legaspi

Quando è stata rilasciata la canzone “Mahal Medley” di Celeste Legaspi?
La canzone Mahal Medley è stata rilasciata nel 2014, nell’album “Bagong Plaka, Lumang Kanta, Vol. 3”.
Chi ha composto la canzone “Mahal Medley” di di Celeste Legaspi?
La canzone “Mahal Medley” di di Celeste Legaspi è stata composta da Tito Arevalo, Mike Velarde Jr., Jerry Brandy.

Canzoni più popolari di Celeste Legaspi

Altri artisti di Asian pop