Iyong Angkin [.]

Manuel V Francisco SJ, Rene Oliveros SJ

Kay hirap pala sinta mapamahal sa 'yo
Hindi kita maunawaan hindi kita maramdaman

Kay hirap pala sinta mapalayo sa 'yo
Kay tinding kalungkutan
Poon huwag mo akong iwanan 'pagkat

Saan ka man naroroon sasama ako poon
Sa bundok man karagatan sadya kong Kita'y makapisan

Ligaya ko'y saya ko rin lumbay mo ay lungkot ko rin
Naisin mo'y hangad ko rin pagka't puso ko'y Iyong angkin

Ninanasa kita tuwina hanap ang 'yong halik
Pagka't tanging ikaw ang kahulugan ng aking buhay kaya't

Saan ka man naroroon sasama ako Poon (saan ka man naroroon)
Sa bundok man karagatan sadya kong kita'y makapisan

Ligaya ko'y saya ko rin lumbay ko ay lungkot ko rin (saya ko rin lumbay ko rin)
Naisin mo'y hangad ko rin pagka't puso ko'y iyong angkin oh (hangad ko rin ah)

Ligaya ko'y saya ko rin lumbay mo ay lungkot ko rin (ligaya ko'y saya ko rin lumbay mo ay lungkot ko rin)
Naisin mo'y hangad ko rin pagka't puso ko'y Iyong angkin (naisin mo'y)

Saan ka man naroroon sasama ako Poon
Sa bundok man karagatan sadya kong kita'y makapisan

Ligaya ko'y saya ko rin lumbay mo ay lungkot ko rin (saya ko rin lumbay ko rin)
Naisin mo'y hangad ko rin pagka't puso ko'y Iyong angkin (hangad ko rin ah)

Ligaya ko'y saya ko rin lumbay mo (saya ko rin lungkot ko rin)
Naisin mo'y hangad ko rin pagka't puso ko'y iyong angkin
Pagka't puso ko'y iyong angkin

Curiosità sulla canzone Iyong Angkin [.] di Bukas Palad Music Ministry

Chi ha composto la canzone “Iyong Angkin [.]” di di Bukas Palad Music Ministry?
La canzone “Iyong Angkin [.]” di di Bukas Palad Music Ministry è stata composta da Manuel V Francisco SJ, Rene Oliveros SJ.

Canzoni più popolari di Bukas Palad Music Ministry

Altri artisti di Worship