Biyaheng Langit

Yaweh yeah
Yaweh yeah
Yaweh yeah
Yaweh

Ipagbunyi ang taong mapagpalaya
Patunugin ang tambuli ng galak
Gawing banal ang sansinukuban
Sa kagandahang-loob niyang dumatal

Kalagan ang lahat ng mga bihag
Ang inusig ng makapangyarihan
O bayan ng Diyos ay palayain
Sa mga bisig ng gahaman

Bayan buong siglang ipahayag ang pagparito ng Diyos nating dakila
Pag-ibayuhin ang ginhawang dulot ng balitang mapagpalaya

Tumungo tayo sa lupang pangako at kapit-bisig tayong maglakbay
Katarungan ni Yahweh itaguyod laban sa panlilinlang
Puksain ang ugat ng pagkabulag at durugin ang mga tanikala
Ipahayag na ngayon ay mamamayani kagandahang-loob ng Diyos

Bayan buong siglang ipahayag ang pagparito ng Diyos nating dakila
Pag-ibayuhin ang ginhawang dulot ng balitang mapagpalaya (Yahweh yeah)

Bayan buong siglang ipahayag ang pagparito ng Diyos nating dakila (Yahweh yeah)
Pag-ibayuhin ang ginhawang dulot ng balitang mapagpalaya (Yahweh yeah)

Bayan buong siglang ipahayag ang pagparito ng Diyos nating dakila (Yahweh yeah)
Pag-ibayuhin ang ginhawang dulot ng balitang mapagpalaya
Balitang mapagpalaya

Canzoni più popolari di Bukas Palad Music Ministry

Altri artisti di Worship