Ang Aking Pasko

Jandi Arboleda, jesuit Communications Foundation Inc

Pagkalembang ng batingaw
Aking puso'y napapahiyaw
Lumulukso sa pagdating ng ginaw na dala ng
Nagsisimulang araw
Magsisimbang-gabi na naman ako kasama mo
Maririnig ko nang muli ang tinig mong
Inaawit ang himig ng Pasko

Sa simula ng pagdarasal ko
Ngalan mo'y agad sa puso ko
Sana nama'y idulot N'yang mabago ko ang mundong
Iaalay ko sa 'yo
Sa araw ng Pasko magsisimba ako kasama mo
At doon ko iaabot ang anumang nabago ko
Kasama 'tong aking inaawit

Ipamamalas ko ang pag-ibig na nadarama sa 'yo
Katulad ng pagmamahal na sanhi ng pagdiriwang
Nitong ating Pasko, o giliw ko

At sa araw na ito alalahanin mong handang-handa ako
Maging kapiling mo

Kahit matapos na itong Pasko

Curiosità sulla canzone Ang Aking Pasko di Bukas Palad Music Ministry

Quando è stata rilasciata la canzone “Ang Aking Pasko” di Bukas Palad Music Ministry?
La canzone Ang Aking Pasko è stata rilasciata nel 1999, nell’album “Pasko Na!”.
Chi ha composto la canzone “Ang Aking Pasko” di di Bukas Palad Music Ministry?
La canzone “Ang Aking Pasko” di di Bukas Palad Music Ministry è stata composta da Jandi Arboleda, jesuit Communications Foundation Inc.

Canzoni più popolari di Bukas Palad Music Ministry

Altri artisti di Worship