Lahat Ng Araw

Miguel Velarde

Silayan at bigyan ng pag-asa
Lahat ng araw kita'y mamahalin

Kamusta binibini
Pakinggan ang isang awit na 'sing tamis ng kundiman

Nung una kang makilala ako'y napuno ng buhay
Paggising ko sa umaga ikaw ang laman ng isip
Ikaw ang tunay na kulay ng buhay mapungay ang mga mata
At bilang isang makata inaalayan kita ng matamis na salita
'Sing tamis ng iyong mukha
'Sing tamis ng iyong ngiti
'Sing kinis ng iyong binti
'Di mapigilan ang damdamin
Tulalata't nakatunganga
T'wing nakikita kita nakanganga aking bunganga
Humahanga sa taglay mong ganda

Asahang pangarap nitong buhay
Lahat ng araw kita'y mamahalin
Iwasan ang iyong alinlangan
Lahat ng araw kita'y mamahalin

Sa labi ng himbing kamatayan
Itangi yaring pagmamahal

Lulutang magtapat sa 'yo hirang
Lahat ng araw kita'y mamahalin
Silayan at bigyan ng pag-asa
Pagmamahal pusong nagdurusa
Iwasan ang pag-aalinlangan
Lahat ng araw kita'y mamahalin

Sa labi ng himbing kamatayan
Itangi yaring pagmamahal

Lulutang magtapat sa 'yo hirang
Lahat ng araw kita'y mamahalin

Pakinggan mo ang bawat letra ng pag-ibig
Na binibigkas ng aking bibig
Ang ibig ang ay nais na makapiling ka sa habang buhay
Sumabay sumayaw sa tono ng aking harana
Makulay at tunay at walang bahid ng biro
Dungawin 'wag nang magpaligoy-ligoy
Halimuyak ng parang simoy ng sampung libong bulaklak sa hangin
Habang buhay kitang mamahalin
Sa lahat ng araw habang buhay kang mamahalin

Sa labi ng himbing kamatayan
Itangi yaring pagmamahal oh

Silayan at bigyan ng pag-asa
Pagmamahal pusong nagdurusa
Iwasan ang pag-aalinlangan
Lahat ng araw kita'y mamahalin (araw-araw kitang mamahalin)

Sa labi ng himbing kamatayan
Itangi yaring pagmamahal

Lulutang magtapat sa 'yo lamang
Lahat ng araw kita'y mamahalin (araw-araw kitang mamahalin)
Lahat ng araw kita'y mamahalin (araw-araw kitang mamahalin)
Lahat ng araw kita'y mamahalin (araw-araw kitang mamahalin)

Curiosità sulla canzone Lahat Ng Araw di Brownman Revival

Quando è stata rilasciata la canzone “Lahat Ng Araw” di Brownman Revival?
La canzone Lahat Ng Araw è stata rilasciata nel 2007, nell’album “Ayos Din”.
Chi ha composto la canzone “Lahat Ng Araw” di di Brownman Revival?
La canzone “Lahat Ng Araw” di di Brownman Revival è stata composta da Miguel Velarde.

Canzoni più popolari di Brownman Revival

Altri artisti di Asiatic music