Batugan
Pagkamulat ng mata
Tinatamad pa nga
Pasok lang ako sa eskwela
Pero teka
Wala pa akong pake
La pa akong kape
Wala pa akong kape-kapera pre
Teka sandali
Daming putakte
Medyo makate
Di mapakale
Simula pa kagabi
Wala pa kong pamasahe
Di makaabante
Medyo salise
Kailan pa naging tama ang male?
Gusto ko lamang sabihin sainyo na
Tinatamad na kong bumganon sa kama
Lagi nalang akong hinihila pababa
Kaya parang ayoko ng sumapit ang umaga
Ang aking kasama
Aking unan’t kumot
Saakin bumabalot
Sa tuwing nakakaramdam ako ng
Kahit kaunting lungkot
Masakit ang ulo’t katawan
Pwede bang mag pahinga ng tatlong buwan?
Tinatamad na ko, tinatamad na ko
Tinatamad na kong bumangon sa kama
Tinatamad na ko, tinatamad na ko
Tinatamad na kong bumangon sa kama
Tapos lagi pang maingay duon sa bahay
Laging magkaaway si inay at si itay
Ilaw ng tahanan eh na pupundi na
Kaya pala hanang ngayon hirap kaming kumita
Bulag pa kung mistula
Patuloy sa pangangapa
Kahit hindi alam kung saan kami papunta kasi nga
Wala ng nakaharang na haligi ng tahanan
Dahil ang aming pader ay unti-unti ng nagigiba
Nagiiba, kahit medyo kuwestyonable pa nga
Ang kanyang ibang ginagawa pero
Anong magagawa ko, eh sa kanilang mata
Kami ay simpleng bata lamang na walang salita kaya,
Parang ayoko na makita ang araw
Lumitaw bukas o sa makalawa
Pakisabi nalang sa kanila
Na hangang ngayon, tinatamad pa ako
Tinatamad na ko, tinatamad na ko
Tinatamad na kong bumangon sa kama
Tinatamad na ko, tinatamad na ko
Tinatamad na kong bumangon sa kama
Tanong ko lang kung sino bang hindi tatamarin?
Sa dami ng plano’t pangako bakit nga ganun padin
Kumbaga hinaharap ay kanilang inaakin
At ang aking pag -asa’y tinangay na nga ng hangin
Pwede bang sabihin na taas noo
Dahil meron akong dugong Pilipino
Kahit na nahihirapan eh pwes baka naman’
Pag kukulang ng iba wag na po natin pag takpan
Tinatamad na ko, tinatamad na ko
Tinatamad na kong bumangon sa kama
Tinatamad na ko, tinatamad na ko
Tinatamad na kong bumangon sa kama