Buntala

Ikaw naglalakad sa isang panaginip
Ikaw nabighani sa tanglaw sa langit
Sagot sa panalangin kahit akala ko ako’y hindi sapat
Parang isang buntalang di ko inakalang dadaan sa paningin

Ikaw inaalala ang kanyang sinabing
Kalimutan ang kahapon and lahat ay bago na muli
Sagot sa panalangin kahit akala ko ako’y hindi sapat
Parang isang buntalang di ko inakalang dadaan sa paningin

Sa ilalim ng mga bituin sa langit
Paano kaya nagkakatagpo
Kahit di maipinta ng isip
Kasama ka sa ilalim ng mga bituin

Ikaw ang lihim na kaylapit sa’kin
At bawat raw kanyang pangako’y ating dadalhin
Sagot sa panalangin kahit akala ko ako’y hindi sapat
Parang isang buntalang di ko inakalang dadaan sa paningin

Sa ilalim ng mga bituin sa langit
Paano kaya nagkakatagpo
Kahit di maipinta ng isip
Kasama ka sa ilalim ng mga bituin

Canzoni più popolari di Barbie Almalbis

Altri artisti di Pop rock