Gising Na Kaibigan

Nakita mo na ba
Mga bagay na dapat mong makita
Nagawa mo na ba
Mga bagay na dapat mong ginawa

Kalagan ang tali sa paa
Imulat ang iyong mga mata
Kay sarap ng buhay
Lalo na't alam mo kung saan pupunta

Kay sarap ng umaga
Lalo na't kung ika'y gising
Tanghali'y maligaya
Kung ikaw may ay may makakain

Ang gabi ay mapayapa
Kung mahal sa buhay ay kapiling
Kay sarap ng buhay
Lalo na't alam mo kung saan pupunta

May mga taong bulag
Kahit dilat ang mata
May mga taong tinatalian
Sariling kamay at paa
Problema'y tinalikdan
Salamin sa mata'y di na makita hoy

Gising na kaibigan ko
Ganda ng buhay ay nasa iyo
Ang mga tao ay ginto
Kinakalawang lang pag ginamit mo

Kailan ka ba magbabago
Kailan ka ba matututo
Ang lahat ng ilog sa dagat tutungo
Buksan ang isipan at mararating mo
Kay sarap ng buhay sa mundo

Hrah rah

Nakita mo na ba
Mga bagay na dapat mong makita
Nagawa mo na ba
Mga bagay na dapat mong ginawa

Kalagan ang tali sa paa
Imulat ang iyong mga mata
Kay sarap ng buhay
Lalo na't alam mo kung saan pupunta

Kay sarap ng buhay
Lalo na't alam mo kung saan pupunta
Kay sarap ng buhay
Lalo na't alam mo kung saan pupunta

Altri artisti di Techno