Bago
Kung sabihin ko meron bang magbabago
Kung malaman mo ako pa rin ang may sala
Ang tagal nating narito at naghihintay
Naninikip ang dibdib naninigas ang mga tuhod
Ang iyong hangarin hindi na tulad ng akin
Bago ko pa naman sabihin
Alam na nating hindi na tayo sa huli
Bakit pinagpipilitang angkinin
Ang 'di na para sa atin
Aaminin kong 'di na tulad ng dati
Kandilang namatay ang sindi
Kasalanan bang wala nang nararamdaman
Sa halip na magpanggap haharapin ang katotohanan
Ang iyong hangarin hindi na tulad ng akin
Bago ko pa naman sabihin
Alam na nating hindi na tayo sa huli
Bakit pinagpipilitang angkinin
Ang 'di na para sa atin
Tadhana nagbago
Yan ang ating puno't dulo
Tadhana nagbago
Yan ang ating puno't dulo
Bago pa naman sabihin
Alam na nating hindii na tayo ang pipiliin sa huli
Oh oh oh oh oh oh