Monumento [Acoustic]
Ang bundok namin ay walang kapunu-puno
Milyun-milyon ang taong nagtayo nito
Bawat dekada pataas nang pataas
Monumento ng mga dumi at kalat oh
Akyat-panaog mga tuta’t mga tao
Araw-gabi ang hanapbuhay dito
Sinusuyod hinukukay ang pwedeng makuha
Ibebenta o pagkain sa umaga oh
May bote may bakal may plastik may adik
Sa bundok namin
May pagpag may laglag may baliktad may bayad
Ang bundok namin oh
Madalas masunog ang aming bundok
Magdamag na kumot makapal na usok
Panganib ang tuluy-tuloy na pag-ulan
May nababaon may nadadaganan
May langit itong gusto kung mayro’n lang ibang tao
May alam ba kayo
Bumabalik bumubuhay ikaw naman ang naghukay
Sa bundok naming
May bote may bakal may plastik may adik
Sa bundok namin
May pagpag may laglag may baliktad may bayad
Ang bundok namin oh