Ang Bayan Kong Sinilangan (Cotabato)

Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato
Kasing gulo ng tao
Kasing gulo ng mundo
Dahil di magkasundo
Sa relihiyon at prinsipyo nagkagulo

Ang bayan ko sa Cotabato
Kasing gulo ng isip ko
Di alam kung saan nanggaling
Di alam kung saan patungo
Kapatid sa kapatid
Laman sa laman
Sila-sila ang naglalaban
Di ko alam ang dahilan ng gulo

Bakit nagkaganon ang sagot sa tanong ko
Bakit kayo nag-away bakit kayo nagkagulo
Prinsipyo mo'y igagalang ko kung ako'y iyong nirespeto
Kung nagtulungan kayo
Di sana magulo ang bayan ko

Sa bayan kong sinilangan sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo
Ang gulo

Ako'y nananawagan
Humihingi ng tulong n'yo
Kapayapaa'y bigyan ng daan
Kapayapaan sa bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban
Magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo
Kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko

Kung ako'y may maitutulong
Tutulong nang buong puso
Gitara ko'y aking inaalay
Kung magkagulo'y gamitin mo
Kung ang kalaba'y walang puso
Puso na rin ang gamitin mo
Ituring mong isang kaibigan
Isipin mong siya'y may puso rin katulad mo

Sa bayan kong sinilangan (bakit may gulo)
Sa timog Cotabato (sa timog Cotabato)
Ako ay namulat (kailan matatapos)
Sa napakalaking gulo (ang gulo)
Dahil walang respeto (kailan magkakasundo)
Sa prinsipyo ng kapwa tao (ang tao)
Kapwa Pilipino (kapwa Pilipino)
Ay kinakalaban mo (bakit kinalaban mo)
Ang gulo

Canzoni più popolari di Asin

Altri artisti di