Ibulong Mo Sa Hangin
Kung ako ang iyong tatanungin
Kung ikaw pa rin ang laman ng puso at ng damdamin ay sasagutin
Araw-araw kang inisip hinangad makita ka
Binubulong sa hangin na mahal kita
Dahil ang pag-ibig ko'y ganun pa rin para sayo
Singkulit ito ng alaala na iniwan mo
Huwag ka sanang magagalit kung maririnig minsan
Ang bulong sa hangin na dumaraan
Na ikaw pa rin ang nais makapiling sa tuwina
Kahit na ngayon ako'y nag-iisa (nag-iisa)
Iipunin kong lahat ang dasal ng puso ko
Ibubulong sa hangin na dalhin sayo
Ikaw pa rin ang laman ng puso at damdamin
Ikaw pa rin kung ako ang iyong tatanungin
Huwag ka sanang magagalit kung maririnig minsan
Ang bulong sa hangin na dumaraan
O at kung ako ang iyong tatanungin ikaw pa rin (ikaw pa rin)
Ang laman ng puso at ng damdamin ay sasagutin
Na walang ibang inisip hinangad makita pa
Ang bulong sa hangin ay mahal kita
At ikaw pa rin ang nais makapiling sa tuwina
Kahit na ngayon ako'y nag-iisa (nag-iisa)
Iipunin kong lahat ang dasal ng puso ko
Ibubulong sa hangin na dalhin sayo
Iipunin kong lahat ang dasal ng puso ko
Ibubulong sa hangin na dalhin sayo sayo
Ibubulong sa hangin na ikaw pa rin dito