Tuloy Ang Ikot Ng Mundo

Jim Paredes

Napapansin mo ba na umiiba na
Ang takbo ng buhay natin ngayon
Naging panibago na ang patakaran
Ang dating bawal ay pinagbibigyan

At lalala pa pare ko
Lalala pa pare ko
Sapagkat tuloy ang ikot ng mundo

Ang dating dalagang si Maria Clara
Sumasayaw ngayon diyan sa may Ermita
Ngunit iba sa kanila'y mulat ang mata
Ayaw na nilang magpasamantala

Nag-iiba na pare ko
Umiiba na pare ko
Sapagkat tuloy ang ikot ny mundo

Ang hari ngayon bukas magsisilbi
Ang dating nangunguna ngayo'y mahuhuli
Ang araw ay sikat at lulubug din
Ang buhay ng api ay siyang giginhawa rin

May iilan ang dati ang mayroong paki
Sa mga bagay-bagay munti at malaki
Ang dating mga taong tahimik lang sa tabi
Ngayo'y galit sila at gustong maghiganti

At lalala pa pare ko
Lalala pa pare ko
Sapagkat tuloy ang ikot ng mundo

Hindi na mapipigil ang pagbabago
Darating ito sa ayaw mo't gusto
Ano man ang sagot mo kung itatanong ko
Ikaw ba'y makaluma o makabago

Ganyan talaga pare ko
Ganyan talaga pare ko
Sapagkat tuloy ang ikot tuloy ang ikot tuloy ang ikot ng mundo (oh)

Curiosità sulla canzone Tuloy Ang Ikot Ng Mundo di APO Hiking Society

Quando è stata rilasciata la canzone “Tuloy Ang Ikot Ng Mundo” di APO Hiking Society?
La canzone Tuloy Ang Ikot Ng Mundo è stata rilasciata nel 1985, nell’album “Made in the Philippines”.
Chi ha composto la canzone “Tuloy Ang Ikot Ng Mundo” di di APO Hiking Society?
La canzone “Tuloy Ang Ikot Ng Mundo” di di APO Hiking Society è stata composta da Jim Paredes.

Canzoni più popolari di APO Hiking Society

Altri artisti di Asian pop