Todo Bigay

May araw na kulang
May araw na masagana
Umiikot lang ang mundo
Ang puno'y nagiging dulo
Hintayin buhay ay magbabago rin

May basong laman ay kulang
May baso namang umaapaw
Balasa ng buhay ganyan
Salamat kung mapagbigyan
Kung kulang ay mayro'n pa ring bukas

Huwag aatras kung nais magtagumpay
Sige ng sige lang habang may buhay
Kinabukasa'y nasa ating kamay
Huwag kang paaawat sige lang sige lang

Walang mapapala ang mahinang loob
Labanan ang mga pumipigil sa 'yo
Laging may pag-asa habang may buhay
Kaya lagi kang todo bigay

May maagang magising
May tanghali na kung bumangon
Kahit na sino ka diyan
Gamitin mo ang panahon
Nang ikaw naman ay makaahon

Huwag aatras kung nais magtagumpay
Sige ng sige lang habang may buhay
Kinabukasa'y nasa ating kamay
Huwag kang paaawat sige lang sige lang

Walang mapapala ang mahinang loob
Labanan ang mga pumipigil sa 'yo
Laging may pag-asa habang may buhay
Kaya lagi kang todo bigay (oh)

Huwag aatras kung nais magtagumpay
Sige ng sige lang habang may buhay
Kinabukasa'y nasa ating kamay
Huwag kang paaawat sige lang sige lang

Walang mapapala ang mahinang loob
Labanan ang mga pumipigil sa 'yo
Laging may pag-asa habang may buhay
Kaya lagi kang todo bigay

Nasa sa 'yo ang kapalaran
Nasa sa 'yo ang kahihinatnan

Canzoni più popolari di APO Hiking Society

Altri artisti di Asian pop