Nakapagtataka

Jim Paredes

Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip
Mula nang tayo'y nagpasyang maghiwalay
Nagpaalam pagkat hindi tayo bagay
Nakapagtataka oh

Kung bakit ganito ang aking kapalaran
Di ba't ilang ulit ka nang nagpaalam
At bawat paalam ay puno ng iyakan
Nakapagtataka nakapagtataka

Hindi ka ba napapagod o di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang walang hanggang katapusan
Napahid na ang mga luha damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga wala na 'kong maramdaman

Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan oh

Walang tigil ang ulan at nasaan ka araw
Napano na'ng pag-ibig sa isa't isa
Wala na bang nananatiling pag-asa
Nakapagtataka saan ka napunta

Hindi ka ba napapagod o di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang walang hanggang katapusan
Napahid na ang mga luha damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga wala na 'kong maramdaman oh

Napahid na ang mga luha damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga wala na 'kong maramdaman

Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan oh

Curiosità sulla canzone Nakapagtataka di APO Hiking Society

In quali album è stata rilasciata la canzone “Nakapagtataka” di APO Hiking Society?
APO Hiking Society ha rilasciato la canzone negli album “Pagkatapos ng Palabas” nel 1978 e “The Best of APO Hiking Society, Volume 2” nel 1991.
Chi ha composto la canzone “Nakapagtataka” di di APO Hiking Society?
La canzone “Nakapagtataka” di di APO Hiking Society è stata composta da Jim Paredes.

Canzoni più popolari di APO Hiking Society

Altri artisti di Asian pop