Kaibigan

Danny Javier

Kaibigan tila yata matamlay ang iyong pakiramdam
At ang ulo mo sa kaiisip ay tila naguguluhan

Kung ang problema mo o suliranin ay lagi mong didibdibin
Ay tatanda kang bigla pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

Iniwanan ka ng minamahal mo sa buhay mo at nabigla
Sinamba mo siya binigyan mo ng lahat at biglang nawala

Ang buhay mo'y alalahanin at 'wag naman maging maramdamin
At tatanda kang bigla pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

Kasama mo ako at kasama rin kita
Sa hirap at ginahawa
Ako'y kagabay mo at may dalang pag-asa
Limutin siya limutin siya
Marami marami pang iba

Kaibigan kalimutan mo na lang ang nakalipas
Kung nasilaw siya napasama sa iba't napaibang landas

Marami pang malalapitan mababait at di naman pihikan
At tatanda kang bigla pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

Kasama mo ako at kasama rin kita
Sa hirap at ginahawa
Ako'y kagabay mo at may dalang pag-asa
Limutin siya limutin siya
Marami pang iba

Kaibigan kalimutan mo na lang ang nakalipas
Kung nasilaw siya napasama sa iba't napaibang landas

Marami pang malalapitan mababait at di naman pihikan
At tatanda kang bigla pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

Curiosità sulla canzone Kaibigan di APO Hiking Society

In quali album è stata rilasciata la canzone “Kaibigan” di APO Hiking Society?
APO Hiking Society ha rilasciato la canzone negli album “Pagkatapos ng Palabas” nel 1978 e “The Best of APO Hiking Society” nel 1982.
Chi ha composto la canzone “Kaibigan” di di APO Hiking Society?
La canzone “Kaibigan” di di APO Hiking Society è stata composta da Danny Javier.

Canzoni più popolari di APO Hiking Society

Altri artisti di Asian pop