Masamang Damo

Jing Gaddi

[Verse 1]
Kay tagal mo nang hinintay
Unti-unting nalulustay
Parang halamang lanta
Hindi nadiligan
Ang 'yong pinagtamnan
Kinain pa ng pesteng
Akala mong kaibigan mong hindi pala
Ninakawan ka pa at iniwang patay

[Verse 2]
Inubos na pasensya mo
Kinuha rin pitaka mo
Hindi mo namalayan na siya'y
Nandiyan sa 'yong tabi
At siya'y ngumingisi
Nakadali na naman ang palos
Hindi mo siya mahuli
Siya'y tuwang-tuwa
Masamang damo'y mamamatay

[Outro]
Bakit mo pa binigay
Ang 'yong tiwala sa kanya?
Ang nais mo lang siya'y mawala
Siya'y mawala
Siya'y mawala
Siya'y mawala

Canzoni più popolari di Ang Bandang Shirley

Altri artisti di