Palaging May Tayo

'Di ko sukat akalain na may ikaw pala na darating sa'kin
Na magpapasaya muli ng damdamin
Na noon ay parang walang oras bisitahin
Sa tagal ng panahon kong nalipasan

'Di ko alam kung ano na bang pakiramdam
Mahalin ng gan'to katotoo (gan'to katotoo)
Dahil sa'yo nagpaka-ginoo (ginoo)
Pangakong palaging kakapit sa'yo

'Di na 'ko aalis ('di aalis)
Dahil ang mahalin ka ay higit pa sa'king ninais
Para sa'yo handa 'kong gawin
Nang 'di magkulang ay pupunuin

Ng pagmamahal wala 'tong reklamo
Walang magbabago palaging may tayo
Para sa'yo handa 'kong gawin
Nang 'di magkulang ay pupunuin

Ng pagmamahal wala 'tong reklamo
Walang magbabago palaging may tayo
Para sa'yo
'Di ko pansin takbo ng oras kapag kapiling

Kita mahal palaging may bagong pakiramdam
'Pag tayo'y naglalambingan
Ikaw ang laging kakampi sa kahit saan (kahit saan)
Ilang araw buwan o taon pa man ang papadaan (papadaan)

'Di magbabago asahan mong tatagal
Pag-ibig ko sa'yo'y 'di matatanggal
Araw at gabi kong ipagdarasal
Balang araw sa'yo ako maikasal

Para sa'yo handa 'kong gawin
Nang 'di magkulang ay pupunuin
Ng pagmamahal wala 'tong reklamo
Walang magbabago palaging may tayo

Para sa'yo handa 'kong gawin
Nang 'di magkulang ay pupunuin
Ng pagmamahal wala 'tong reklamo
Walang magbabago palaging may tayo

Para sa'yo
'Di ko na maikubli ang sayang naramdaman
Buti dumating kundi malamang masasaktan
Ikaw nagpakita ng akala ko bihira

Muling tanggapin para mahalin tulad ko dating nasira
Kaya 'di na papakawalan (papakawalan)
Kahit sa'n makarating (makarating)
Tayong dalawa 'wag mag-alala lahat 'yan haharapin

Tandaang sa'yo lang 'to hanggang tayo na ay tatanda
Tuparin natin ang ano mang nakatakda
Nabuo ang puso ko dahil sa dinulot mo
Tanging sa'yo lang nadama ang totoo

Natupad ang matagal nang hiniling (hiniling)
Na mabigyan ng halaga (halaga)
Sana'y mabatid mo na talagang ayaw kitang mawala
Para sa'yo handa 'kong gawin

Nang 'di magkulang ay pupunuin
Ng pagmamahal wala 'tong reklamo
Walang magbabago palaging may tayo
Para sa'yo handa 'kong gawin

Nang 'di magkulang ay pupunuin
Ng pagmamahal wala 'tong reklamo
Walang magbabago palaging may tayo
Para sa'yo

Hanggang ngayon ako'y napapatanong
Sa sarili paano kung 'di naging tayo
Siguro nga'y umiiyak at malungkot mag-isa sa'king magulong mundo (yeah)

Pinagkaloob na dumating ka
Salamat dahil sa'yo puso ko'y masaya
Hindi ko maitatanggi na simula nang makilala ka
Natuto ang puso mahalin ka sinta

Sa'kin kumapit ka lang para 'di mo na maranasan muli ang masaktan
Kung ako sa'yo dapat sa'kin magtiwala ka lang
Para 'di na magbago ang pagmamahal

Para sa'yo handa 'kong gawin
Nang 'di magkulang ay pupunuin
Ng pagmamahal wala 'tong reklamo
Walang magbabago palaging may tayo

Para sa'yo handa 'kong gawin
Nang 'di magkulang ay pupunuin
Ng pagmamahal wala 'tong reklamo
Walang magbabago palaging may tayo
Para sa'yo

La-la-la-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la-la-la
Oh-woah

Para sa'yo (sa'yo)
Handa 'kong gawin (gawin)
Nang 'di magkulang ay pupunuin (pupunuin)
Ng pagmamahal wala 'tong reklamo
Walang magbabago palaging may tayo
Para sa'yo

Canzoni più popolari di ALLMO$T

Altri artisti di Asiatic music