Di Ko Akalain

Kanina pa kita hinahanap ngayon bigla kang dumating
Pero ba't ganoon wala ako maramdaman ni katiting
Parang kailan lang 'di makatulog sa kakaisip sa iyo
Parang kahapon lang nang inamin ko sa sarili ko na may gusto ako sa'yo

Di ko akalain na mahahantong 'to sa ganito
Akala ko kasi ikaw na talaga
Di ko akalain na mawawala pa pala ang nadarama
Pero wala tayong magagawa
Wala tayong magagawa

Kanina pa kita tinititigan at ang gwapo mo pa din
Ngunit maari nga bang noon ako'y tulog at ngayo'y nagising
Siguro talaga napapagod din ang pusong magmahal
Siguro talaga malakas ang tama ko noong una ngayo'y wala na talaga

Di ko akalain na mahahantong 'to sa ganito
Akala ko kasi ikaw na talaga
Di ko akalain na mawawala pa pala ang nadarama
Pero wala tayong magagawa
Pero wala tayong magagawa

Bentang benta masarap kahit mahal
Urong sulong nagmukha akong hangal
Bagyong pag-ibig na maraming nabuwal
Tanging inisip ko'y ika'y aking mahal

Di ko akalain na mahahantong 'to sa ganito
Akala ko kasi ikaw na talaga
Di ko akalain na mawawala pa pala ang nadarama
Pero wala tayong magagawa
Di ko akalain na mawawala pa pala ang nadarama
Pero wala tayong magagawa

Canzoni più popolari di Alex Gonzaga

Altri artisti di Gospel