Multo

Cursebox, Blvckroom

Cursebox
Alamat, handa, 'rap

Nakakaakit ka, diwatang nakita
Liwanag at ganda ang bitag sa mga mata
Hangin na dumaan, niyakap ang katawan
Maulap na gabi, sabay pa sa bilog na buwan

Karapat-dapat bang matakot, o sinta
Kaibig-ibig din kaya sa ‘yo gusto kong pumusta
Paramdam mo kaya ang pag-ibig na dala
Malaman ko kung tunay ba, baka isang

Multo
Takbo, takbo, takbo
Multo
Takbo, takbo, takbo

Kinikilabutan
Bilisan mo ang iyong takbo
Bilisan mo ang iyong takbo
Kinikilabutan
Bilisan mo ang iyong takbo
Bilisan mo ang iyong takbo

Natatakot ba kapag madilim
Humanda na para sa mga lagim
Dahil ngayong gabi ang lahat ay mangyayari
‘Wag basta madadala at ‘wag ka basta mapraning

Basta ako, para sa ‘yo, handang gawin lahat
Magkagalos man nang magkagalos ang balat
‘Di ko man alam patutunguhan ng daanan na nilalakaran
Susubukan kong ikaw ay sugalan

Karapat-dapat bang matakot, o sinta
Kaibig-ibig din kaya sa ‘yo gusto kong pumusta
Paramdam mo kaya ang pag-ibig na dala
Malaman ko kung tunay ba, baka isang

Multo
Takbo, takbo, takbo
Multo
Takbo, takbo, takbo

Kinikilabutan
Bilisan mo ang iyong takbo
Bilisan mo ang iyong takbo
Kinikilabutan
Bilisan mo ang iyong takbo
Bilisan mo ang iyong takbo

Ang pag-ibig ay minsan sadyang mapanlinlang
Aakitin, dadalhin ka sa titig lang
Pero kahit na ganu'n, ‘wag mong pagbibigyan
Lalong-lalo ‘pag dama mong sandali lang ‘yan

‘Di na para mapadalaw ng isang buwan na
Sigurado ‘di rin tayo du'n mapupunta
Tanging payo ko sa ‘yo, mag-isip-isip ka
Para maiwasan mo na ma-ghost ka

Kinikilabutan
Bilisan mo ang iyong takbo
Bilisan mo ang iyong takbo
Kinikilabutan
Bilisan mo ang iyong takbo
Bilisan mo ang iyong takbo

Multo
Multo

Puso mo’y ‘wag basagin
Utak ang ‘yong gamitin
Para sa dulo
Walang iba pang sisisihin
Tingnan ang ‘yong paligid
Ito ba ay para sa 'tin
Nang ‘di mahulog sa pag-ibig
Ng isang multo

Canzoni più popolari di ALAMAT

Altri artisti di Contemporary R&B